Duterte sa PNPA graduates: Huwag kayong magpa-dehado sa mga kalaban

Inquirer photo

Sa ika-39 na graduation rites ng PNP Academy, mismong ang panauhing pandangal na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbigay ng parangal sa Maragtas Class of 2018.

 

Siya rin ang nag-abot ng Presidential Kampilan Award at plaque of merit sa valedictorian ng klase na si Cadet First Class Fritz John Vallador na tubong Kabankalan, Negros Occidental.

 

Ngayong taon nasa 106 ang nagtapos sa PNPA.

 

Kinabibilangan ito ng 79 na lalaki at 27 dito ang mga babae.

 

Payo ni Pangulong Duterte sa kanila, gampanan ang kanilang trabaho at huwag mag-atubuling lumaban sakaling malagay sa alanganin.

 

Kapag nalagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan ay pinayuhan ng pangulo ang mga graduates na unahan ang kanilang mga kalaban partikular na ang mga miyembro ng teroristang New People’s Army.

  

Samantala, kanyang valedictory address, binalikan ni Villador ang kanyang mga pinagdaan bago nakatapos ng pag-aaral sa akademya.

 

Si Vice President Leni Robredo naman ng nagawad ng Kampilan Award sa salutatorian ng klase na si Police Cadet Francis Pang-ay Fagkang ng Sadanga, Mt. Province;

Maliban kay Vallador ang iba pang napabilang sa top 10 ay sina:

 

-Police Cadet Jess Torres Agustin ng Kabayan, Benguet.

-Police Cadet Jesstony Fabro Asanion ng Sta. Cruz, Zambales;

-Fire Cadet Myrick Aquino Paldingan ng Mankayan, Benguet;

-Police Cadet Christian Villacarlos Juego ng Dasmariñas City, Cavite;

-Police Cadet Cherry Mae Lumogda Montaño ng General Santos City;

-Police Cadet Stephen Torrevillas Abrica ng Cebu City;

-Jail Cadet Arjay Marcaida Cuasay ng Parañaque City; at

-Police Cadet Maricar Sison Ansus ng Sorsogon City.

Read more...