Isang binatilyo, patay matapos tumalon sa isang gusali sa Tuguegarao

Credit: Google

Patay ang 17 taong gulang na Grade 11 student matapos tumalon umano sa gusali ng pinapasukang paaralan sa Tuguegarao City.

Batay sa ulat, tumalon ang senior high school student ng FL Vargas College mula sa ikaapat na palapag ng main building ng paaralan matapos makumpleto ang unang klase nito.

Sa kaniyang Facebook account, makikita ang ilang post ng estudyante na tila problemado.

Ito na ang ikalawang kaso ng hinihinalang pagpapakamatay ng high school students sa probinsya ng Cagayan.

Matatandaang noong March 14, 2018, isang 18 taong gulang na lalaki ang nagbigti sa bayan ng Alcala matapos mabalisa sa hindi pagtatapos ng senior high school.

Read more...