Halos 12,000 pulis, ipakakalat sa Metro Manila ngayong Semana Santa

Inquirer file photo

Magpapakalat ng aabot sa 11,800 pulisya ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila para sa darating na Semana Santa.

Sa isang panayam, sinabi ni NCRPO chief Oscar Albayalde na ipinag-utos ang mga pulis na magpatrolya sa mga komunidad para maiwasan ang insidente ng pagnanakaw sa mga maiiwang bahay ng mga magbabakasyon.

Aniya, kadalasan kasing nangyayari ang modus ng salisi at akyat-bahay tuwing Semana Santa para samantalahin ang pag-uwi sa mga probinsya ng libu-libong residente sa Metro Manila.

Tututukan rin aniya ng pwersa ng mga pulis ang mga pampublikong lugar tulad ng malls, mga paliparan, pantalan at bus terminals sa Quezon City, Pasay at Maynila.

Dagdag pa nito, magpapatuloy din ang anti-drugs operations ng pulisya sa kasagsagan ng Holy Week.

Read more...