(Updated) Pinatawan ng preventive suspension order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 10 bus units ng Dimple Star bus company matapos mahulog ang isa nitong pampasaherong bus sa Occidental Mindoro.
Personal na pinuntahan ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada ang terminal ng Dimple Star bus sa P. Tuazon sa Q.C., kung saan nakita niya ang depekto ng ilang mga bus ng kumpanya.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, hinihintay na lang ang opisyal na impormasyon sa bus unit na may plakang TYU 708 para makapagsagawa ng franchise verification sa naturang bus company.
Sa isasagawang beripikasyon, malalaman ng ahensya kung ilang bus units ng kumpanya ang masususpinde.
Ani Lizada, posibleng umabot ng 30 araw ang suspensyon mula sa araw ng pagkakatakda nito.
Patuloy naman ang ikinakasang imbestigasyon sa aksidente.
Samantala, aabot sa 19 katao, kabilang ang drayber na si Arno Panganiban, ang kumpirmadong nasawi matapos mahulog ang bus sa bahagi ng Barangay Batong Buhay sa bayan ng Sablayan.
Kinilala ang ilang nasawi, kabilang sina:
- Leaflor De Pedro Borlado, security guard
- Erwin Estipona Ebuenga, 40-anyos, konduktor
- Cely E. Dama
- Marciano B. Ramos
- Rudy Bacani
Hindi pa naman nakikilala ang limang lalaki at walong babaeng nasawi.
Dinala naman ang 20 sugatang sa San Sebastian District Hospital at Mamburao Provincial Hospital kabilang ang mga sumusunod:
- Madelyn Bayle Tulaylay
- Allan Sanchez
- Leodegario Toraje Caballes
- Mary Jane Dawis Caballes
- Jessica Borlado Odenia
- Alex Hernandez
- Asuela Azula
- Normina Lancian
- Angelie Bayle
- Vanessa Bayle
- Darwin Robles
- John Rey Perlas
- Hanila Bermeo
- Von Mayon
- Kheira Mae Tulaylay
- Raffy Acosta
- Jessie Driza
- Kristine De Jesus
- Brandon Perlas
- Ace Tulaylay