Amihan muling umiral at apektado ang Northern Luzon

Muling bumalik sa pag-iral ang Northeast Monsoon o Amihan.

Ayon sa PAGASA, apektado ng Amihan ang mga rehiyon at lalawigan sa Northern Luzon.

Dahil dito, ngayong araw ang Cagayan Valley at lalawigan ng Aurora ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.

Ang Cordillera Administrative Region naman at Ilocos Provinces ay makararanas pa rin ng isolated na mga pag-ulan.

Magiging maganda naman ang panahon sa buong Mindanao, maliban lamang sa pulo-pulong pag-ulan.

Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay isolated rainshowers lamang ang mararanasan dahil sa localized thunderstorms.

Sa susunod na tatlong araw, sinabi ni PAGASA weather specialist na bababa ang Amihan at makaaapekto sa mas malaki pang bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Read more...