Binata namaril sa kanyang eskwelahan sa Maryland, US

AP PHOYO

Patay ang isang 17 taong gulang na binata matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Maryand, United States.

Kinilala ang binata na si Austin Wyatt Rollins na isang mag-aaral sa Great Mills High School.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, bago magsimula ang pasok ng mga estudyante sa nasabing paaralan ay binaril ni Rollins ang isang babae at isang lalaki na kapwa estudyante.

Napag-alaman na dati niyang karelasyon ang binaril na babae.

Agad na rumespunde ang school resource officer na si Blaine Gaskill at doon sila nagkapalitan ng putok ni Rollins, na nagresulta naman sa pagkamatay nito.

Sa ngayon ay nasa kritikal na kundisyon ang 16 na taong gulang na babaeng bitkima at sinasabing nagtamo ito ng life-threatening injuries, habang stable na ang kundisyon ng 14 taong gulang na binatang biktima.

Ito na ang ika-17 school shooting incident na naganap sa Estados Unidos ngayong taon.Kritikal ang kundisyon ng isa sa mga binaril ng 17 taong gulang na binata.

Read more...