Lisensya ng mining companies na nagsusuplay ng explosives sa mga rebelde, pinakakansela ni Duterte

INQUIRER File Photo

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Environment and Natural Resources na kanselahin ang lisensya ng mga mining companies na lumalabag sa explosive handling o ang mga nagsusuplay ng mga explosives sa communist terrorist groups.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ginawa ng pangulo ang utos sa meeting ng National Security Council Meeting gabi ng Lunes na natapos na pasado alas-tres ng madaling araw.

Dagdag ni Roque, automatic expulsion o awtomatikong sibak sa serbisyo rin ang kakaharapin ng mga pulis at mga pulis na nagbibigay ng mga pampasabog sa mga terorista o mga rebelde.

Natalakay din aniya sa meeting kahapon ang paglalatag ng mahigpit na seguridad sa mga port, terminal at maging sa Philippine Rise.

Read more...