Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga napatay na suspek na kapwa lalaki, habang nakatakas naman ang isa nilang kasamahan.
Kwento ng babaeng biktima na tumanggi nang magpapangalan, kalalabas lamang niya ng isang fastfood restaurant sa Dapitan Street nang hintuan ng isang motorsiklo na may tatlong sakay.
Nagdeklara ang mga ito ng holdup ay inagaw ang kanyang bag.
Agad na nakahingi ng tulong ang biktima sa mga pulis na nagsagawa naman ng followup operation gamit ang pinagsanib pwersang Philippine National Police – Criminal Investigation and detection Group (PNP-CIDG) Manila at Sampaloc Police.
Ayon kay Police Senior Inspector Jake Arcilla ng Manila Police District, nagkahabulan sila at ang mga suspek hanggang sa likod Post Office ng Maynila.
Doon na unang nagpaputok ang mga salarin, kaya naman gumanti na rin ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang lalaki.
Positibong kinilala ng biktima ang dalawa na siyang nang-holdup sa kanya.
Bukod sa nabawing bag ng biktima ay narekober rin ng mga otoridad ang dalawang kalibre 38 baril.
Patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang isa pang suspek sa insidente ng holdup.