Kasabay ng paglulunsad ng Oplan Sumvac, sinabi ni Drug Enforcement Group Head Chief Supt. Albert Ferro na tutukan nila ngayon ang pagkalat ng mga party drugs na ibinebenta sa mga kabataan.
Nabatid kasi na tuwing bakasyon ay mas nagiging malakas ang bentahan nito at nagiging patago rin ang pagbili sa merkado.
Ayon kay Ferro, ayaw na nilang maulit pa ang nangyari noong noong March 22, 2016 kung saan namatay ang 5 kabataan sa isang concert sa MOA matapos umanong hindi kayanin ng katawan ang epektoku ng paggamit ng droga.
Kaya naman, alinsunod na rin sa direktiba sa kanila ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ay magsasagawa sila ng mga drug operations partikular na sa mga night club na may kahinahinala umanong aktibidad sa Metro Manila.
Samantala, para hindi malisutan, sinabi ni Ferro na nakabantay din ang otoridad maging sa mga beach resort na karaniwang puntahan tuwing bakasyon.