Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kahit malawak ang mga lupang sakahan sa lalawigan, mababa naman ang produksyon ng palay dito dahil makaluma pa ang ginagamit na paraan ng pagtatanim.
Ayon kay Piñol, nagkaroon ng kasunduan ang kanyang ahensya at ang lokal na pamahalaan ng Bohol na i-alok sa mga magsasaka ang Production Loan Easy Access Program sa ilalim ng Agriculture Credit Policy Council kung saan maaari silang makahiram ng puhunan.
Palalawakin rin umano ng DA ang pagtatanim ng hybrid rice seeds at target na kahit kalahati ng mga lupang taniman ay magkaroon nito.
Una na ring sinimulan ang pagtatanim ng binhi ng hybrid rice sa Bohol at nakitang may potensyal itong makapag-produce ng higit sa 11 metric tons kada hektarya, mula sa kasalukuyang 2.6 metric tons na ani lamang bawat ektarya.