Budget reform bill lusot na sa Kamara

Pasado na sa ikalawa, ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang Budget Reform Bill.

Sa botong 158 na YES, 8 na NO at 1-Abstain lumusot sa Kamara ang House Bill 7302 o ‘An Act to Reform the Budget Process by Enforcing Greater Accountability in the Public Financial Manament (PFM), Promoting Fiscal Sustainability, Strengthening Congress’ Power of the Purse, Instituting an Integrated PFM System and Increasing Budget Transparency and Participation.’

Ito ay matapos sertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala.

Sa liham ng pangulo kay House Speaker Pantaleon Alvarez noong March 19, hiniling nito sa Kamara na agad ipasa ang panukala.

Sa ilalim ng saligang batas ang isang panukala kapag sinertipikahang urgent ng pangulo ay maari nang pagsabayin ang second at third reading sa isang araw.

Layunin ng panukala na palakasin ang budget process sa pamamagitan ang paglalagay ng greater accountability, pagpapalakas ng power of the purse ng Mababang Kapulungan at pagpapataas ang budget transparency and participation.

Sasakupin ng panukala ang management of revenue, expenditure, financing arrangements, and assets and liabilities of national government agencies (NGAs), government-owned and -controlled corporations (GOCCs), at ang local government units (LGUs).

Nakasaad din sa panukala ang mandato sa Kongreso na pag-aralan ang paggasta ng mga ahensya ng pamahalaan at gawing accountable ang mga ito sa kanilang financial and non-financial performance.

Binibigyan din nito ng kapangyarihan ang pangulo na aprubahan ang Statement of Fiscal Policy; Medium-Term Fiscal Strategy na isusumite sa Kongreso, operational and organizational structure sa loob ng Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), at National Economic and Development Authority (NEDA) kung ito ay kinakailangan.

Inoobliga din ng panukala ang Department of Budget and Management (DBM) na huwag aprubahan ang anumang request para sa pagpapalabas ng allotments sa mga items of appropriation na covered ng negative list o modification sa nakalaang pondo kahit pa ang paggamit ng savings na irekomenda sa pangulo hanggang hindi naisusumite ng ahensya ang mga kinakailangang reports sa ilalim ng panukala.

Papanagutin din nito ang mga opisyal ng pamahalaan na mabibigong magsumite ng report ukol sa mga income o kaya naman ay pondo na nananatili sa kanilang pangangalaga sa loob ng itinakdang panahon.

Mahaharap naman sa kaso at maaring masibak ang sinumang opisyal o kawani ng pamahalaan na lalabag sa panukala kapag ito ay naging ganap na batas.

Read more...