Lalaki patay sa pamamaril sa Caloocan City

Contributed Photo

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Maharlika Phase 9, Barangay Bagong Silang sa Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si Marlon Valiza, 30 taong gulang at isang tricycle driver.

Sinasabing riding-in-tandem ang salarin sa pamamaril, ngunit batay sa imbestigasyon ng mga otoridad ay wala namang residente na nakakita sa gunman.

Mismong sa kanyang minamanehong tricycle binaril si Valiza at doon na ito nalagutan ng hininga.

Kwento naman ng mga kaanak ni Valiza, dating sangkot sa kalakaran ng iligal na droga ang biktima. Ngunit anila, sumuko na ito sa Oplan Tokhang ng pamahalaan.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang motibo sa pamamaslang, maging ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Read more...