Nagulantang ang mga motorista na bumabagtas ng Makati Avenue hapon ng Martes nang mapanood ang isang pornographic video na ipinalalabas sa isang digital billboard sa Executive Building Center.
Nakuhanan pa ng video ng netizen na si Mulong Sermonia ang malaswang palabas at inu-upload ito sa kanyang social media account.
Mapapanood sa video ang isang babae at isang lalaki na nagtatalik, ngunit hindi naman nakita ang kanilang mga mukha.
Sa panayam ng Inquirer kay Sermonia, sinabi nito na bukod sa kanyang mga kaibigan ay marami pang ibang mga motorista ang nakakita at nagulat dahil sa video.
Sa ngayon ay hindi pa batid kung na-hack ba o isang prank ang pagpapalabas ng pornographic video sa digital billboard.
MOST READ
LATEST STORIES