Inaalam na ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog sa Waterfront Manila Pavillion Hotel noong nakaraang araw ng Linggo.
Isa sa aalamin sa imbestigasyon ng BFP ay kung gumana o hindi ang fire alarm at water sprinkler ng hotel.
Ayon kay Senior Inspector Reden Alumno, Chief Arson Investigator ng BFP-Manila, una nilang isinailalim sa ocular inspection ang Casino area sa ground floor kung saan pinaniniwalaang nag-umpisa ang apoy bago isinunod ang iba pang palapag ng gusali.
Samantala, bukod sa BFP ay nagsasagawa din ng parallel investigation ang National Bureau of Investigation sa nasabing sunog na umabot ng Task Force Bravo.
Kabilang sa aalamin ng NBI ang pananagutan ng pamunuan ng Waterfront Hotel sa nasabing sunog kung saan lima ang nasawi.