Napoles may bagong pasabog sa pork barrel scam ayon sa DOJ

Inquirer file photo

Ibinuyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nakahanda na si Janet Lim Napoles na isiwalat ang lahat ng nalalaman nito ukol sa pork barrel scam.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Aguirre na ito ang dahilan kung bakit nag-apply si Napoles na maging state witnees at pumasok sa Witness Protection Program ng DOJ.

Pero ayon kay Aguirre, kaya inilagay muna sa provisionary witness protection program si Napoles dahil kinakailangan pang suriin ang kanyang affidavit.

Ayon kay Aguirre, hindi si Napoles ang maituturing na most guilty sa pork barrel scam dahil hindi naman siya isang government official at walang direktang access sa pondo ng gobyerno.

Si Napoles ang sinasabing utak sa pork barrel scam matapos ilagay sa kanyang mga bogus na non- government organizations ang pondo ng mga mambabatas na laan sana para ipangtulong sa mga mahihirap.

Read more...