Isinusulong ngayon ng Makabayan Bloc sa Kamara ang pagbabawal na rin ng endo o ang end of contract scheme sa mga trabaho sa gobyerno.
Base sa House Bill 7415, nais ng Makabayan Bloc na hindi lamang sa pribadong sektor ipagbawal ang endo.
Kailangan anilang masunod ang batas at gawing regular ang mga empleyadong karapat-dapat.
Paliwanag ng mga militanteng mambabatas, ang kanilang panukala ay bilang pagsunod lamang sa nais ng pangulo na ihinto ang endo sa bansa.
Sa datos, aabot sa 800,000 mga manggagawa ng pamahalaan ang kontraktwal na nakatalaga sa iba’t-ibang sangay.
Iginiit ng mga ito na wala nang dapat nabibiktima ng endo sa bansa lalo na sa pamahalaan.
MOST READ
LATEST STORIES