Pinagbibitiw na ngayon ng mga mambabatas si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam.
Base sa resolusyong inihain nina Negros Oriental Rep. Arnie Teves, House Minority Leader Danilo Suarez at House Dangerous Drugs Committee Chair Robert Ace Barbers na pirmado ng 48 kongresista isinusulong ng mga ito ang pagre-resign ni Cam.
Maliban sa pagbibitiw ni Cam nais din ng mga kongresista na i-cite for contempt ng Kamara ang PCSO official kasunod ng akusasyon nito kay Teves sa pagdinig ng Kamara na operator ito ng small town lottery sa Negros Oriental.
Mariin namang itinanggi ng kongresista ang bintang ni Cam.
Nakasaad pa sa resolusyon na hindi iginalang ni Cam ang mambabatas gayundin ang buong Kamara.
Sa nasabing pagdinig may kaugnayan sa mga anomalya sa STL operations pinagsisigawan ni Cam ang kongresista sa gitna ng hearing hanggang sa ito ay natapos.