Mahigit P16,000 halaga ng lumber nakumpiska sa Quezon

Kinumpiska ng pulisya ang P16,900 halaga ng lumber mula sa kabundukan ng Sierra Madre sa General Nakar, Quezon.

Ayon kay Quezon police director Senior Supt. Rhoderick Armamneto, aabot sa 390 board feet ang lumber na inabandona sa Agos River sa Barangay Anoling ang nasabat.

Sinabi ng opisyal na nagsagawa sila ng operasyon matapos ipinaalam sa kanila ng mga residente na ang illegal logging sa lugar.

Tinutukoy ng mga pulis kung sino ang nasa likod ng pagputol sa libu-libong halaga ng inabandonang lumber.

 

 

 

 

 

 

Read more...