Hindi ko ipinayo ang pagpasok kay Napoles sa WPP – ES Medialdea

Pinabulaanan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinayuhan niya si Atty. Stephen David na ipasok sa witness protection program ang kanyang kliyente na si pork barrel scam ueen Janet Lim Napoles.

Tanong ni Medialdea, bakit niya bibigyan ng legal advice si David para kay Napoles?

Iginiit pa ni Medialdea na kung siya ang kliyente ni David, agad niya itong sisibakin bilang kanyang lead defense counsel.

“Why would I give a legal advice to a lawyer for his client. If I were his client I will fire him,” ani Medialdea.

Una rito, sinabi ni David na nagkaroon siya ng pakikipagpulong kay Medialdea at Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa Malakanyang ilang araw matapos mailagay sa provisionary witness protection program si Napoloes.

Ayon pa kay David, nais niyang ilagay si Napoles sa WPP nang hindi na magpapaalam sa Sandiganbayan pero inoverrule umano ito nina Medialdea at Aguirre at pinayuhang maghain ng mosyon sa anti graft court.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...