Vienna sa Austria, nanguna sa “Quality of Living City” ranking sa buong mundo

Sa ika-siyam na pagkakataon ang lungsod ng Vienna sa Austria ang nanguna sa Quality of Living ranking, ang taunang survey ng isang consulting firm sa mga lungsod sa mundo na nakapagbibigay magandang kalidad ng buhay sa mga mamamayan nito.

Sa survey ng “Mercer” sa 231 na mga lungsod sa iba’t ibang panig ng mundo, kabilang sa mga tinignan ang political stability, health care, edukasyon, krimen, recreation at transportasyon.

Ang Vienna na mayroong 1.8 million na populasyon ang nanguna sa survey at sinundan ito ng Zurich sa Switzerland, ikatlo ang Auckland sa New Zeland at ikaapat ang Munich sa Germany habang nasa ikalimang pwesto naman ang Vancouver.

Ang Maynila ay nasa malayong pwesto na pang-137.

Ang Baghdad sa Iraq ang nasa panghuling pwesto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...