Ayon kay Philippine Army Spokesperson Louie Villanueva, sa isasagawang anibersaryo ng Philippine Army sa Taguig alas-3:00 ng hapon ng Martes, gagawaran ng parangal ang mga magigiting na sundalo na lumaban para sa bansa.
20 sa kanila ang bibigyan ng order of Lapu-Lapu award habang ang 21 iba pa ay bibigyan din ng iba’t ibang military awards.
Paliwanag ni Villanueva, ibibida sa anibersaryo ang tagumpay ng army sa pagsugpo sa rebelyon sa Marawi at pagkontrol sa iba’t ibang threat groups.
Dadaluhan ang event ni Lt. Gen. Joselito Bautista, commanding general PA.
Samantala, panauhin namang pandangal si Special Assistant to the President Bong Go.