Dagdag-bawas sa mga presyo ng produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw

 

Epektibo na ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw na ito ng Martes.

Simula ngayong umaga, may dagdag na P0.40 ang presyo kada litro ng diesel ng iba’t ibang kumpanya ng langis.

Samantala, magkakaroon naman ng tapyas o bawas sa presyo ng
kerosene na nasa P0.55 kada litro.

Wala namang magiging paggalaw sa presyo ng gasoline products ngayong linggong ito.

Ang paggalaw pa rin ng presyo ng krudo sa world market ang dahilan ng pinakahuling oilprice adjustments ngayong araw.

Read more...