Nagpaabot ng pagbati ang gobyerno ng Pilipinas kay Russian President Vladimir Putin sa pagkapanalo nito sa presidential election.
Muling nahalal si Putin sa ikaapat na termino.
Dahil dito, may karagdagang anim na taon pa sa pwesto si Putin.
Matatandaang pinalakas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang economic at defense relations ng bansa sa Russia.
Dagdag pa dito ang pagpapasalamat ni Duterte kay Putin sa naging delivery ng mga armas at iba pang kagamitan na siyang nakatulong sa pagtalo sa terorista sa bansa.
Huling nagkita sina Duterte at Putin noong Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting sa Vietnam noong Nobyembre ng nakaraang taon.
MOST READ
LATEST STORIES