Mga kinatawan ng ‘It’s Showtime’ ipinatatawag ng MTRCB dahil kay ‘Pastillas girl’

pastillas1Ipinatatawag ng Movie Television Review and Classification Board o MTRCB ang mga opisyal ng programang ‘It’s Showtime’ ng ABS-CBN dahil sa ‘Pastillas Girl’ segment nito.

Sa Oktubre 13, nakatakdang humarap sa pulong ang mga opisyal ng naturang noontime show sa Gender and Development Committee ng MTRCB.

Matatandaang una nang inireklamo ng women’s group na Gabriela ang ‘pastillas girl’ segment ng ‘It’s Showtime’ sa pamunuan ng ABS-CBN at sa MTRCB dahil sa umano’y mistulang pambubugaw umano ng naturang programa sa tinatawag na ‘Pastillas Girl’ sa mga lalake na live pang ipinalabas sa telebisyon.

Ang ‘Pastillas Girl’ ang pantapat na segment ng ‘It’s Showtime’ sa sikat na sikat na kalyeseryeng ‘AlDub’ ng Eat Bulaga na napapanood sa GMA.

Inireklamo ng Gabriela ang ‘pastillas girl’ segment dahil ibinubugaw umano ng programa ang tinaguriang ‘pastillas girl’ sa mga lalake.

Read more...