Lumipad ang American Flight 550 mula sa Phoenix, Arizona at patungo sana sa Boston, Massacusetts nang makaranas ng biglaang karamdaman ang 57-taong gulang na piloto habang nasa himpapawid.
Dahil dito, agad na humiling na makapag-emergency landing ang co-pilot sa air control tower at mag-isang inilapag ang eroplano sa Syracuse, New York.
Gayunman, sa paglapag sa naturang airport, idineklarang dead on the spot ang hindi pinangalanang piloto.
Hindi pa rin naman isinisiwalat ng mga otoridad ang sanhi ng pagkamatay nito.
Sa kabila ng trahedya, ligtas na nailapag ng co-pilot ang eroplano sa isang emergency landing at walang nasaktan sa 147 pasahero ng naturang eroplano.