2017 profit ng SSS, bumaba bunga ng pension hike

 

Bumagsak ng 37 porsiyento ang kita ng Social Security System nitong nakalipas na taong 2017.

Ito ay dahil sa pag-apruba noong nakaraang taon ng administrasyon na mabigyan ng dagdag na benepisyo ang mga retirees na miyembro ng SSS noong nakaraang taon.

Ayon sa datos na inilabas ng ahensya, umabot lamang sa P20.3 bilyon ang profit ng naturang pension fund.

Bagamat tumaas ang revenue ng SSS ng labinlimang porsiyento, o katumbas ng P22.5 bilyon, malaki rin naman ang expenditures nito sa 27 percent o P180.2 billion.

Nang simulan ang pagbibigay ng dagdag na isanlibong piso sa mga retirees, umabot ito sa kabuuang P33.5 bilyong piso.

Sa kabuuan, nasa P170.7 bilyon ang naibigay bilang benepisyo sa mga retirees, kabilang na ang death disability, maternity, retirement at sickness benefit noong 2017.

Matatandaang noong nakaraang taon, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng dagdag na P2,000 sa monthly pension ng mga retirees.

Ang unang bahagi nito o isanlibong piso ay naibigay noong nakaraang taon.

Read more...