Ito ang naging tugon ng Palasyo ng Malakanyang sa International Criminal Court na nagbabalak na ituloy pa rin ang pag iimbestiga sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit na kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute.
Ayon kay presidential spokesman Harry Roque, hindi na kasi makikipagtulungan ang pilipinas sa ICC.
Iginiit pa ni Roque na hindi dapat agad na nagpasikat si ICC prosecutor Fatou Bensouda nang inianunsyo na nasa preliminary examination na ang kanilang hanay sa war on drugs ni Duterte.
Minaliit pa ni Roque ang mga nakapending na kaso sa ICC dahil pawang galing sa African states na puro palpak ang estado ang reklamo.
Agad namang kumambiyo si Roque sa pagsasabing hindi dapat na ma-offend ang African states
Kasabay nito, sinabi ni Roque na bagamat kumalas na ang Pilipinas sa ICC, committed pa rin siya sa mga prinsipyo ng Rome Statute na nagtatag sa ICC.
Bago pa man naging spokesman ng pangulo, isa si Roque sa mga malakas na nagsulong na mapasama ang Pilipinas sa Rome Statute.
Iginiit pa ni Roque na mula nang maupo siya bilang tagapagsalita ng pangulo may anim na buwan na ang nakararaan, nawala na ang kanyang karapatan na magpahayag ng mga personal opinyon sa ibat ibang isyu./Chona Yu
Excerpt: Iginiit ni Roque na hindi dapat agad na nagpasikat si ICC nang inianunsyo ang preliminary examination sa war on drugs ni Duterte.