Ayon kay PO3 Era Campillos, biglang binaril si Pastor Allan Ursabia sa harap ng halos isangdaang katao bandang 9:30 ng umaga sa Lord Jesus Christ Fellowship Church.
Ani Campillos, may isang babaeng lookout ang namataan sa labas ng simbahan nang maganap ang insidente.
Isa naman sa mga tinitingnang posibleng motibo sa krimen ng mga imbestigador ay personal na galit, dahil ayon sa asawa ng biktima, maaaring may kinalaman ito sa pagtulong ng biktima sa kaanak nitong nakakulong.
Batay sa paunang imbestigasyon, lumalabas na mga hired killers ang mga suspek, kaya isinantabi na nila ang posibilidad na gawa ito ng mga rebeldeng New People’s Army.
Nadala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival.
Wala pa namang natutukoy na suspek ang mga pulis.