Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Sa botong 164 na Yes at 27 No ay lumusot ang House Bill 7378 na naglalayong amyendahan ang Republic Act 10952.
Sa inaprubahang panukala itinakda ang eleksyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa ikalawang Lunes ng Oktubre ng kasalukuyang taon.
Nakasaad sa panukala na magkakaroon ng hold-over capacity ang mga kasalukuyang opisyal hanggang sa mailuklok ang mga bagong halal na pinuno.
Isasabay ang eleksyong sa Barangay at SK sa plebesito para sa pagpapalit ng Saligang Batas.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas ay nakatakda ang halalan sa ikalawang Lunes ng May, 2018.
MOST READ
LATEST STORIES