Hindi pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong na divorce bill sa Kamara.
Sa pulong balitaan sa Camarines Sur, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ayaw sanang mag-komento ng pangulo sa isyu ng divorce.
Pero dahil sa napagbotohan na sa second reading sa Kamara ang panukalang batas, sinabi ni Roque na tutol ang pangulo sa divorce.
Sinabi pa ni Roque na nababahala ang pangulo sa divorce bill dahil magiging kawawa ang mga anak.
Idinagdag pa ng pangulo na kapag nagkaroon ng divorce sa Pilipinas ay mawawalan na ng karapatang magsampa ng kaso ang isang tao sa mga pabayang asawa.
Una dito, sinabi ng pangulo na no comment siya sa divorce bill at bahala na ang kongreso sa panukala.
MOST READ
LATEST STORIES