Muling magbabalik ang kanilang serbisyo sa publiko sa April 2, araw ng Lunes kung saan ang kanilang byahe ay magsisimula 4:30 ng umaga.
Sa advisory na inilabas ng pamunuan ng LRT 1 kanilang sinabi na sasamantalahin nila ang Holy Week para sa kanilang taunang maintenance work.
Isasailalim sa rehabilitasyon hindi lamang ang kanilang mga tren kundi maging ang kanilang mga riles at ilan pang mga pasilididad.
Inaasahan naman na maglalabas rin ng kahalintulad na pahayag ang pamunuan ng LRT Line 2 at MRT 3 na palagiang nagkakaroon ng aberya.
MOST READ
LATEST STORIES