Ayon kay Health Secretary Janet Garin, isinailalim na sa mga kaukulang pagsusuri ang tatlo upang matukoy kung may MERS virus ang mga ito ngunit hindi pa tapos ang mga resulta ng eksaminasyon.
Sa kabuuan, nasa 101 katao ang nakahalubilo ng namatay na Saudi national ang natunton na ng kagawaran..
Sa naturang bilang, 15 ang kinakitaan ng sintomas na kahalintulad ng makikita sa mga may MERS ngunit lima lamang sa mga ito ang minomonitor sa kasalukuyan, paliwanag ni Garin.
Ang Saudi Arabian na pumasok sa bansa para sa tatlong linggong pagbabakasyon noong nakaraang September 17.
Gayunman, Spetember 26, nakaranas ito ng ubo, sipon, at mataas na lagnat, kaya’t dinala ito sa pagamutan nang sumunod na araw ng mga staff ng kanyang itnuluyang hotel.
Kinabukasan, namatay ang naturang dayuhan at sa pagsusuri, nagpositibo ito sa MERS CoV.