De Lima, bantulot na makasama sa LP line-up si Tolentino

SEC. DE LIMA CONFIRMATION / JUNE 11, 2014 Justice Secretary Leila De Lima speaks during her confirmation by the Commission on Appointments at the Senate, Pasay City on Wednesday. INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA
INQUIRER FILE PHOTO / NINO JESUS ORBETA

Hindi magiging komportable si Justice Sec. Leila de Lima na makasamang tumakbo si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino sa pagka-senador para sa darating na eleksyon.

Ito ay sakaling mapatunayang si Tolentino nga ang responsable sa pagpapadala ng mga sexy dancers sa kaarawan ni Laguna Rep. Benjamin Agarao bilang regalo.

Ayon kay De Lima, mahihirapan siya dahil siya ay naninindigan sa pagpoprotekta ng karapatan at dignidad ng mga kababaihan.

Aniya, ikinadismaya niya ang ganoong pangyayari na para sa kaniya ay nakakabastos sa kababaihan, pero gayunman, nais pa rin niyang hintayin ang imbestigasyon ng Liberal Party tungkol sa kontrobersiya.

Kasama ni De Lima dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros, isa sa napapabalitang makakasama rin sa senatorial slate ng LP, sa pagkundena ng ganoong paggamit sa mga kababaihan.

Umaasa si Hontiveros na mapapanagot ang tunay na responsable sa insidente oras na lumabas na ang resulta ng imbestigasyon.

Ayaw naman muna magsalita ng tapos ni De Lima tungkol dito nang hindi naman talagang nalalaman ang buong katotohanan sa mga nangyari.

Read more...