Sunog sa Manila Pavilion, kontrolado na

Idineklara nang under control ang sunog sa Manila Pavilion Hotel na sumiklab dakong alas-10 ng umaga ng Linggo.

Ayon kay Senior Inspector Crossib Cante, kontrolado na ang sunog dakong alas-8:00 ng umaga kanina.

Tumagal din ng halos 24-oras ang sunog sa nasabing gusali.

Una nang narekober ang apat na labi ng mga nasawi sa insidente.

Ayon kay Chief Supt. Roel Jeremy Diaz, hepe ng Metro Manila fire, patuloy ang imbestigasyon nila sa pinagmulan ng apoy.

 

 

 

 

Read more...