Ginawaran ng parangal sa Camp Crame ang mahigit 100 pulis at sundalo na nakilahok sa kauna-unahang SWAT Challenge ng Philippine National Police.
Itinanggal na overall champion ang team 2 ng Special Action Force ng PNP na tumanggap ng medalya, plake ng pagkilala at cash prize ng P300,000.
Habang 1st runner up naman ang team 1 ng SAF ay tumanggap ng P200,000 at 2nd runner up na National Capital Region Police Office Rapid Deployment Company 2 ay tumanggap ng P100,000.
Samantala, sa AFP Category, itinanggal na kampeon ang team 2 ng Philippine Airforce.
Isinagawa ang national SWAT Challenge ng PNP noong March 1 hanggang March 3 sa Davao at inorganisa ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) sa pakikipagtulungan sa Philippine Shooters and Match Officers Confederation (PSMOC).
Nilahukan ito ng Command Group, Directorial/Personal Staff, National Support Units, Police Regional Office, at (5) Police Districts ng NCRPO.
Samantala, Umaasa naman ang PNP na sa pamamagitan nito ay mas madadagdagan ang kahandaan ng mga pulis gayundin sa mga sundalo sa pagresponde sa mga sakuna at terror attacks.
Inahayag nya rin na dahil sa tagumpay ng SWAT Challenge ay masusundan pa ito sa Setyembre ngayong taon.