Pangulong Duterte nagsagawa ng aerial inspection sa Manila Pavilion fire

 

Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Rodrigo Duterte sa paligid ng nasunog na Manila Pavilion Hotel sa Maynila.

Mula sa kanyang pagdalo sa graduation ceremonies sa Philippine Military Academy sa Baguio City, dumiretso ang pangulo sa pag-iinspeksyon sa pinsala ng sunog sa naturang hotel lulan ng helicopter.

Kasama ng pangulo si Special Assistant to the President Bong Go na kumuha ng mga larawan sa aerial inspection ng pangulo.

Sa kasalukuyan, patuloy na inaapula ng mga kagawad ng pamatay-sunog ang apoy sa loob ng naturang hotel.

Tatlo na ang patay samantalang isa ang kritikal sanhi ng naturang sunog.

Dalawa pang staff ng casino na nasa ground floor ng hotel ang hindi pa natatagpuan.

Read more...