Kinilala ang suspek na si Joel Nazareno, 30 taong gulang na residente ng Barangay Payatas, ngunit tubo pa ng Davao.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, lumabas sa e-subpoena data system ng QCPD Police Clearance Station na mayroon palang pending warrant of arrest si Lorenzo para sa kasong attempted homicide.
Kaya naman agad na inaresto ng pulis na nakadestino sa clearance section ng Quezon City Hall si Lorenzo.
Samantala, ayon kay Eleazar, ika-49 na suspek sa Quezon City na si Lorenzo na naaresto gamit ang kanilang e-subpoena data system.
MOST READ
LATEST STORIES