‘Kaibigan man kami ni maam’ – Duterte

 

RTVM/inquirer.net

Kaibigan man kami ni Ma’am.

Ito ang naging maiksing tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte nang umani ng tawanan mula sa PMA graduates ang ginawa niyang pagbati kay Vice President Leni Robredo.

Bago ang ginawang pagbati, nakipag-kamay pa ang pangulo kay Robredo nang umakyat sa entablado.

Magkatabi rin ng upuan ang pangulo at si Robredo sa entablado ng graduation ng PMA Alab Tala Class of 2018.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon ngayong 2018 na nagkasama ang dalawang mataas na opisyal sa iisang event.

December 2016 nang pagbawalan na ni Pangulong Duterte si Robredo na dumalo sa mga Cabinet meeting sa Malakanyang dahil sa ginagawa nitong pambabatikos sa mga programa ng administrasyon.

Read more...