Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Aguirre na personal na niyang sinabihan ang pangulo na huwag nang i-review ang kaso.
Hindi na aniya kailangan na pakialaman pa ng pangulo ang kaso at dapat nang ipaubaya sa kanya.
Pagtitiyak pa ni Aguirre, tiyak na papanagutin niya kung sino man ang mga nagkamali o nagpabaya sa kanilang tungkulin kung nadismiss ang kaso.
Nanindigan pa si Aguirre na wala siyang kasalanan sa pagkaka-dismiss sa kaso dahil hiwalay at independent ang National Prosecution Service.
MOST READ
LATEST STORIES