ICC minura ni Duterte

 

Bull**** ang Rome Statute na isang treaty na nagtatag sa International Criminal Court.

Sa talumpati ng pangulo sa graduation rites ng Philippine Military Academy Alab Tala Class of 2018 sa Fort del Pilar sa Baguio City,hinimok din nito ang iba pang bansa na kasapi ng ICC na kumalas na.

Ayon sa pangulo, bastos ang ICC kung kaya kinukumbinsi niya ang ibang bansa na sumunod na rin sa yapak ng Pilipinas.

March 14, 2018 nang magpasya ang pangulo na kumalas na sa Rome Statute dahil sa ginagawang imbestigasyon ng ICC sa kanyang war on drugs.

Ayon sa pangulo, kaya aniya pinipilit ng ICC na i-prosecute siya para pagtakpan ang kanilang mga kasalanang nagawa.

Read more...