Al Pacino, Robert De Niro, at Martin Scorsese, muling magsasama-sama

Dalawamput tatlong taon matapos silang unang magsama para sa pelikulang Heat ay muling magti-teamup sina Al Pacino at Robert De Niro para naman sa isang proyekto.

Ididirehe ng legendary Hollywood director na si Martin Scorsese ang Netflix movie na pinamagatang “The Irishman” na pagbibidahan nina Pacino at De Niro.

Ang nasabing pelikula ay isang biographical crime film na tatalakay sa buhay nina Frank Sheeran at Jimmy Hoffa na mga miyembro ng labor union sa Estados Unidos.

Makakasama rin sa nasabing pelikula sina Joe Pesci at Anna Paquin, at iba pang malalaking pangalan sa Hollywood.

Samantala, sa ngayon, pinagbibidahan ni Pacino ang HBO TV drama film na “Paterno” na tumatalakay naman sa child sex abuse scandal ng American football coach na si Jerry Sandusky.

Ipapalabas ang “The Irishman” sa Netflix sa 2019.

Read more...