Hindi na masyadong nagkakasama ang dalawang pinakamataas na lider ng bansa sa mga public events matapos bumitiw sa pwesto sa gabinete si Robredo noong 2016.
Ang nakatakda nilang pagdalo sa graduation ceremony ng PMA ay ang una nilang pagkikita ngayong taon.
Si Pangulong Duterte ang maggagawad ng Presidential Saber kay PMA Alab Tala (Alagad ng lahing Binigkis ng Tapang at Lakas) Class of 2018 Valedictorian Cadet First Class Jaywardene Galilea Hontoria.
Samantala, igagawad naman ni Robredo ang Vice Presidential Saber kay Class Salutatorian CFC Ricardo Witawit Liwaden.