Ito ang lumbas sa report na isinagawa ng Philippine National Police-Directorate for Operations (PNP-DO).
Sa nasabing report, kabuuang 118 katao ang napatay sa anti-illegal drugs operations ng mga pulis simula December 5, 2017 hanggang March 5, ngayong taon.
Ayon naman sa PNP-Directorate for Intelligence (PNP-DI), 12,287 na mga drug suspek ang nananatili sa kanilang drugs watch list simula December 5 hanggang February 15.
Ayon kay PNP-DO chief, Director Camilo Cascolan, patuloy na tumataas ang bilang mga drug suspek na sumusuko sa kanilang Oplan Tokhang.
Aniya, 4,548 na ang sumuko at 12,185 naman ang naaresto sa Oplan Double Barrel simula December 2017.
Pinakamalaking bilang ang nagmula sa Central Luzon, kung saan 656 ang mga surrenderees at sinundan naman ito ng Northern Mindanao kung saan sumuko ang 529 katao.