Ginang, ilang oras na palang patay sa loob ng fastfood chain sa Hong Kong

 

Isang ginang na palaboy ang nadiskubreng ilang oras na palang patay habang nakaupo sa loob ng isang kilalang fastfood chain sa Hong Kong.

Nadiskubre lamang na patay na pala ang naturang ginang na tinatayang nasa pagitan ng idad 50 hanggang 60 anyos nang mapansin ng mga customer at crew na ilang oras na itong hindi gumagalaw sa kanyang puwesto.

Unang nakitang pumasok ang naturang ginang sa loob ng fastfood chain ng McDonald’s sa Phing Shek may 24 oras ang nakaraan sabay umupo at yumuko sa isang mesa na animo’y natutulog.

Gayunman, mahigit kalahating araw, napansin ng mga staff na hindi na ito gumagalaw habang nakalugmok sa mesa kaya’t tumawag na sila ng tulong sa otoridad.

Sa pagdating ng mga rescue units, dito nadiskubreng may halos pitong oras nang patay ang biktima.

Sa Hong Kong, karamihan sa mga palaboy ay pumapasok sa mga 24-hour restaurant upang magkubli sa init ng panahon.

Sa pagtaya ng mga NGO sa Hong Kong, tinatayang may mahigit 1,000 palaboy o homeless sa dating British territory.

Napipilitang ang mga itong manirahan sa kalye dahil sa sobrang taas ng halaga ng lupa at upa sa naturang lugar.

Nagpahatid naman ng pakikiramay ang Senior Director ng McDonald’s Hong Kong sa sinapit ng ginang.

Read more...