Kinilala ang biktima na si Jerry Adolfo na siyang pangulo ng Sangandaan-Panghulo-Polo TODA.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, minamaneho ni Adolfo ang kanyang jeep nang barilin ito mismo sa loob.
Tatlong lalaki ang nagpanggap bilang mga pasahero ng biktima at umupo sa likod lamang ng driver.
Nang maka-tiyempo ay bumunot ang salarin ng baril at malapitan itong binaril sa ulo.
Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek at mga kasamahan nito.
Ayon sa dalawang mga driver ng jeep, si Adolfo na ang ikalimang lider ng TODA na pinatay sa Malabon.
MOST READ
LATEST STORIES