Duterte pinatunayan na hindi namamaga ang kanyang mga kamay

Photo: Benjamin Duterte

Ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kamay para patunayan na hindi ito namamaga taliwas sa naging pahayag ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa.

Isang larawan rin ang ipinakita sa kanilang mga tagasuporta na sinasabing kinunan ang nakababatang kapatid ng pangulo na si Benjamin Duterte.

Sa larawan na sinasabing kuha sa bahay ng pangulo sa Davao City ay makikitang hindi naman namamaga ang kanyang mga kamay.

Nauna dito ay sinabi ni Dela Rosa na namaga ang kamay ng pangulo makaraan niyang suntukin ang isang pader sa Malacañang nang kanyang malaman na inabswelto ng National Prosecution Service ang mga drug lords na sina Kerwin Espinosa, Peter Co at Pater Lim.

Nagalit umano ang pangulo kaya niya nasuntok ang pader ayon sa pahayag ni Dela Rosa.

Noong Biyernes ay sinabi rin ni Special Assistant to the President Bong Go na tila namamaga nga ang mga kamay ng pangulo.

Read more...