Sa impormasyon na nakuha ng Department of Energy (DOE), magpapatupad ang mga kumpanya ng petrolyo ng dagdag presyo sa halaga ng diesel ng mula P0.30 hanggang P0.40 kada litro.
Magpapatupad naman sila ng bawas presyo sa halaga ng gasolina na P0.10 bawat litro samantalang aabot naman sa P0.60 kada litro ang bawas sa presyo ng kerosene o gaas.
Ang panibagong paggalaw sa halaga ng produktong petrolyo ay dulot pa rin ng malikot na presyo nito sa world market ayon sa DOE.
MOST READ
LATEST STORIES