Ilang lugar sa Samar idineklarang drug-free ng PDEA

Inquirer file photo

Limang barangay sa lalawigan ng Samar ang idineklara na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na drug free.

Kabilang dito ang Barangay Casandig, Concepcion, Hinugacan, Natimonan at Pologon sa musipalidad ng Gandara na idineklarang “cleared of illegal drugs noong March 15, 2018.

Ayon kay PDEA Director General Aaron  Aquino, ang deklarasyon ay ginawa nila matapos ang malalim na pag-aaral ng kanilang Oversight Committee at makaraang maabot ang lahat ng parameters na itinakda ng Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No 3 Series of 2017.

Kasama sa mga parameters na ito ang kawalan ng drug supply, transhipment activity, drug laboratory at warehouse sa lugar, kawalan ng drug dependents,  pusher, protector at drug den.

Ang Batanes ang kauna-unahang lalawigan na idineklarang drug free ng pdea noong June 2, 2017.

Sa 2018, target ng PDEA na maka-clear ng 7,328 Barangay o 617 na Barangay kada buwan mula sa iligal na droga.

Read more...