Negosasyon ng Pilipinas at Kuwait para mga OFWs nauwi sa deadlock; magpapatuloy pa ang usapan ayon sa DOLE

Bigo ang Pilipinas at Kuwait na magkasundo sa draft deal kaugnay ng proteksyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dapat ay paplantsahin ng mga kinatawan mula sa dalawang bansa ang final draft ng memorandum of understanding (MOU) para sa proteksyon ng mga OFW.

Partikular na nagkaroon ng deadlock ayon kay Bello sa mga isyu kaugnay sa pasaporte at kontrata ng mga OFW.

Tumanggi na si Bello na magbigay pa ng detalye ukol sa hindi natapos na MOU.

Ani Bello, muling magkakaron ng panibagong round ng pag-uusap sa pagitan ng mga opisyal ng dalawang bansa.

Una ng sinabi ng kalihim na isa mga demands ng bansa na huwag kunin ng Kuwaiti employers ang passport at cellphone ng mga Pinoy.

Inihirit din ng Pilipinas ang pag-blacklist sa mga amo na ibinibenta sa iba ang mga OFW.

Nais din ng bansa na magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Joanna Demafelis na natagpuan sa freezer sa Kuwait.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...