Pagtanggap kay Napoles sa WPP, walang epekto sa kaniyang kaso – Ombudsman

Walang magiging epekto sa mga kinakaharap niyang kaso ang pagkakatanggap kay Janet Lim Napoles sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, lahat ng kaso ni Napoles na sumasailalim na sa paglilitis sa korte ay hindi apektado sa pagkakatanggap sa kaniya sa WPP.

Sa ilalim ng nasabing programa, si Napoles ay maaring mabigyan ng dagdag na seguridad at medical attention at sasagutin ito ng gobyerno.

Isa pa sa posibleng maging resulta ng pagkakatanggap kay Napoles sa WPP ay ang mailipat siya ng kulungan.

Sa nayon ayon sa Office of the Ombudsman, si Napoles ay may kinakaharap na limang bilang ng kasong plunder at maraming bilang ng kasong graft sa Sandiganbayan.

 

 

 

 

 

Read more...